Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 lola dinakma sa pagto-tong its

0 53

Arestado ang dalawang lola at isa pa nilang ka-tong its matapos maaktuhang nagsusugal kamakalawa sa Barangay Onse, San Juan City.

Nahaharap sa kaukulang kaso sina Virginia Amabillo y Ibañez, 62; Jesus Maya y Ramos, 66 at Annabelle Francia y Alenio, 41-anyos, pawing taga-San Juan City.

Inaresto ang mga suspek alas-2:00 kamakalawa ng hapon sa Adevoso St., Barangay Onse, nang magsagawa ng Anti-Criminality Operation ang mga tauhan ng sub-station 4 ng San Juan Police.

Nakumpiska sa tatlo ang isang set ng playing cards at P338.00 bet money.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa San Juan City Police Station. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.