Abante Tonite Interactive

2 lola nagulungan ng trak, parehong patay

426

Nasawi ang dalawang lola nang magulungan ng truck ang sinasakyang tricycle na naunang binangga ng isang motorsiklo sa Tanza, Cavite.

Nadala pa sa ospital ang biktimang sina Erlinda Martinez, 71-­anyos at Luzviminda Villamar, 82-­anyos, isang negosyante at kapwa residente ng 054 San Juan St., Brgy. ­Poblacion, Tanza, Cavite subalit idineklarang kapwa dead on arrival.

Tumakas naman ang driver ng motorsiklo na unang bumangga sa sinasakyang tricycle ng mga biktima habang hawak naman ng pulisya ang driver ng isang Izusu Gia Truck (CAN 9746) na si Noel Delos Reyes, 50-anyos, ng Brgy.
Poblacion III, Tanza, Cavite na kasunod na bumangga sa tricycle.
Sa ulat ni PMSgt. Richard Tumanguil, ng Tanza Municipal Police Station, alas-8:55 kahapon ng umaga nang maganap ang ­insidente.

Sakay sa tricycle ang mga biktima na minamaneho ni Ricardo Binauhan, 54-anyos, nang banggain ng motorsiklo ng ‘di nakila­lang tumakas na driver.
Bunga noo’y nawalan ng kontrol sa manibela si Binauhan at napunta sa kabilang kalsada na siya namang pagdating ng truck ni Delos Reyes at makaladkad ang tricycle. (Gene Adsuara)