Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 lola tigok sa sunog; abogado, bumbero sugatan

0 196

Patay ang magkapatid na lola habang sugatan ang isang bumbero at abogado matapos ma-trap sa sunog kamakalawa ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP) ang biktimang sina Florencia Ramos Hernandez, 88, at kapatid na si Consorcia Ramos, 82, kapwa taga-1277 Santo Cristo St. Tondo.

Sugatan naman sina Atty. Santiago Hernandez, 83, asawa ni lola Florencia at si SFO4 Enrico Lopez Jr..

Sa ulat ng BFP, alas-3:00 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa 2-storey residential house na pagmamay-ari ng pamilya Hernandez.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mabilis umanong kumalat ang apoy kaya hindi na nakalabas ang magkapatid na lola.

Nagtamo naman ng mga paso sa katawan si Atty. Hernandez nang tangkaing iligtas at buhatin ang kanyang misis at kapatid nito, pero dahil matanda na ay hindi na niya kinaya.

Kaagad namang inireport ng mga kaanak sa mga bumbero na na-trapped sa loob ng tahanan ang magkapatid pero dahil malaki na ang apoy ay hindi rin sila nailigtas.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.