Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 lolo, 3 totoy laglag sa buy bust

0 270

DALAWANG senior citizen at tatlong totoy na kabilang sa labimpito na mga tulak ang dinampot ng Cavite police sa buy bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Kinilala ang dalawang Lolo na si Romeo Bladerobal, 63, ng Gen Trias City, Cavite at Rolando Umali, 60, ng Brgy H2, Dasmarinas City, Cavite at tatlong menor de edad na kinilalang si alias Japet, 14; Jonjon at Rossel, kapwa 17, ng General Mariano Alvarez.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO) alas-5:00 kahapon ng umaga nang isagawa ang buy bust operation sa Brgy Pasong Camachille 2, Gen Trias City na ikinaaresto nina Bladerobal at Japet at isa pang suspek na si Edwin Lomutad at narekober.

Alas-8:00 kamakalawa ng gabi nang dinampot si Lolo Cabatuando at isang Judith Soco, 58, sa Dasmarinas City Cavite.

Dinampot din ng GMA police sina alis Jonjon, 17 at alias Rossel, 17, sa buy bust operation sa Brgy Poblacion 3, GMA. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.