Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 lolo nagduwelo, 1 patay

0 319

Isang 60-anyos na senior citizen ang napatay makaraang saksakin sa likod ng isa ding lolo na kanyang kainuman matapos magtalo habang nag-iinuman sa basketball court sakop ng San Juan Subdivision, Barangay San Juan, San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Voltaire Rivera, San Miguel police chief, ang biktimang si Ricardo Libunao y Salvador, 60, ng Magsaysay St., Barangay San Juan ng naturang bayan na hindi na umabot ng buhay sa San Miguel District Hospital bunga ng malalalim na saksak sa likod.

Nadakip naman ng mga nagrespondeng pulisya ang suspek na si Virgilio Suarez y Bangit,66-anyos at taga-Barangay Tigpalas, San Miguel na nakakulong ngayon at nahaharap sa kasong murder matapos saksakin sa likod ang nakaalitang biktima.

Dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente habang nag-iinuman ang biktima at suspek na si Suarez na kapwa senior citizen sa basketball court sakop ng Barangay San Juan, San Miguel nang mauwi sa mainitang pagtatalo ang kuwentuhan ng dalawa hanggang biglang hablutin ng suspek ang isang kitchen knife saka saksakin sa likod ang kaalitang biktima na duguang bumulagta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.