Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 lugar sa QC ni-lockdown

0 125

Nadagdagan muli ang mga lugar na nasa special concern lock­down sa Quezon City matapos isailalim sa lockdown nitong week­end ang Tiberias Alley C. Benitez Street hanggang Julay Alley Banahaw Street sa Barangay San Martin De Porres kung saang may naitalang 16 na aktibong kaso ng COVID-19.

Naka-lockdown din simula noong weekend ang isang compound sa Barangay Apolonio Samson, kung saan may 23 aktibong kaso sa na­sabing barangay.

Sa ngayon, may ka­buuang walong lugar sa lungsod na kasalu­kuyang naka-lockdown. Magtatagal ito nang 14 araw.

Iginiit naman ng lo­kal na pamahalaan na hindi nila-lockdown ang buong barangay kundi mga partikular na kalsada o compound lang.

Sa kasalukuyan, may 1,735 aktibong kaso ng COVID-19 sa QC. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.