Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 lugar sa San Juan balik ECQ

0 328

Inilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) ang dalawang lugar sa San Juan City dahil sa pagtaas doon ng bilang ng COVID-19 positive.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, idineklarang “critical zones” ang mga bahagi ng C. Santos Street sa Barangay Balong Bato at J. Eustaquio Street sa Barangay Progresso at sasailalim sa ECQ mula July 7 hanggang July 22.

Siniguro naman ni Zamora na hindi pababayaan ng San Juan City government ang mga residente sa nabanggit na mga kalye at mabibigyan ng mga food pack ng apat na beses. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.