Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 mag-utol, 16 pa dakma sa buy bust

0 58

DALAWANG magkapatid ang kabilang sa 20 inaresto ng Cavite Police sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Cavite, Sabado ng madaling-araw.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), sa pagitan ng ala-1:20 Biyernes ng hapon hanggang alas-2:00 Sabado ng madaling araw nang isinagawa ang buy bust sa apat na Lungsod at isang bayan sa lalawigan ng Cavite.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nanguna ang Lungsod ng Imus sa may pinakamaraming bilang ng tulak na naaresto (8); sumunod ang Lungsod ng Bacoor (5) habang (4) naman sa Gen Trias City, Cavite; sa General Mariano Alvarez (2) at (1) sa Dasmarinas City o kabuuang 20.

Sa nasabing operasyon, dalawang magkakapatid ang kabilang sa naaresto na kinilalang si Nelson Guyamin, 43, at Gilbert Guyamin at Joshua Mendoza, 21 at utol nitong si Jefferson Mendoza, 24. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.