Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 magsasaka niratrat, nahulog sa bangin

0 105

Patay ang isang magsasaka habang kritikal ang kasamahan nito matapos silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek habang patungo sa kanilang taniman kamakalawa sa bayan ng San Fernando, Romblon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Winceslao Rocero Rezano, 66, na nagtamo ng mga bala sa katawan, habang kritikal sa pagamutan ang kasama nitong si Michael Libot Ramirez, 34, na nagtamo ng isang bala sa ulo, kapwa taga-Barangay Campaligo, San Fernando, Romblon.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas.

Sa ulat ni Police Capt. Clyde Kalyawen, Public Information Office ng Mimaropa (Region 4-B), naganap ang insidente alas-7:30 ng umaga nitong Biyernes sa mabundok na bahagi ng Sitio Lakdayan, Barangay Campalingo, San Fernando, Romblon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Patungo ang mga biktima sa kanilang taniman upang kumuha ng gulay at prutas nang bigla na lang silang pagbabarilin ng mga suspek. Unang tinamaan sa ulo si Ramirez na agad nagpagulong-gulong sa mabanging lugar, habang si Rezano naman na nabaril din ay nahulog sa sapa.

Ang asawa naman ni Rezano na si Nancy Riva, na nakasunod sa kanila ay inabutan nang duguan at wala nang buhay ang mister.

Mabilis na dinala sa San Fernando Rural Health Unit si Ramirez subalit kalaunan ay inilipat sa Romblon Provincial Hospital dahil sa malalang kalagayan.

Patuloy ang follow up operation ng pulisya sa pagkakakilanlan at pagdakip sa mga suspek. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.