Abante Tonite Interactive

2 magsasaka patay sa Nueva Ecija

By
749

Dalawang magsasaka ang kapwa natagpuang patay sa magkahiwalay na lugar sa Nueva Ecija kamakalawa.

Batay sa mga ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Eliseo Tanding, NE ­police director, ang mga biktima ay nakilalang sina ­Agustin Sumait Valerio, 60-­anyos, residente ng Brgy. Platero, bayan ng General M. Natividad at June Benoza Nacional, 38-anyos, residente ng Purok 4, Brgy. San Isidro, bayan ng Zaragoza.

Sa pagitan ng alas-otso hanggang alas-nuwebe ng umaga nang magtungo umano sa kanilang bukirin si Valerio at dakong alas-11:10 ng umaga noong matagpuan ang nakasubasob na bangkay nito sa ­Sitio Pugon, Brgy. Platero, Gen. Natividad.

Ayon sa anak na si Jojo Valerio, 29, may tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang kanyang ama.

Nakarekober ang Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) team ng NE Police Crime Laboratory Office ng 2 basyo ng bala para sa caliber .45 at palakol sa lugar na kinatagpuan ng bangkay.

Si Nacional ay natagpuang bangkay sa Purok 2, Brgy. Manaol, Zaragoza, makaraan umanong makipag-inuman sa ta­hanan ni Rodolfo Manalili Jepe, 52-anyos, residente ng naturang lugar.

Ipinalalagay na napaslang ito sa pagkalunod, ayon sa ginawang proseso ng SOCO team.