Abante Tonite Interactive

2 magsasaka pinatay sa Pangasinan

By
134

Patay ang dalawang magsasaka, na ang isa ay Anakpawis leader, makaraang pagbabarilin sa magkahiwalay na bayan sa Pangasinan, Lunes ng gabi.

Batay sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa Bayambang kung saan napatay ang biktimang si Roberto Mejia, 49-anyos, leader ng Anakpawis farmer group.

Naganap ang pamamaril dakong-11:15 ng gabi habang nakasakay si Mejia sa kanyang tricycle kasama ang kanyang pinsan na si Miguelito Mejia, 54-anyos, nang may tumapat sa kanilang tabi at pinaulanan sila ng bala ng baril.

Samantala, patay din ang magsasakang si Virgilio Benigno, 47-anyos, sa Tayug, Pangasinan.

Naganap ang pamamaril kay Benigno dakong alas-7:30 ng gabi sa Brgy. Lawak habang papauwi ito sa kanyang bahay.

Sa inisyal na im­bestigasyon, naglalakad umano ang biktima nang lapitan siya ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sakay ng isang motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril siya sa ulo at katawan.

Agad namang ­tumakas ang mga suspek pagkatapos ng pamamaril.