Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 magsasaka tinamaan ng kidlat habang nagbi-video

0 8

Dalawang magsasaka ang nasawi matapos tamaan ng kidlat habang inaayos ang kanilang patubig sa gitna ng bukid sa San Fabian, Pangasinan noong Martes.

Ayon sa San Fabian Police Station, bago ang insidente ay nakapag-video pa ang isang biktima gamit ang cellphone.
Nakilala ang mga biktima na sina Fernando Guntang, 20, at Jeric Soriano, 25, parehong taga-Barangay Angio sa nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon, nagpunta sa bukid ang mga biktima kasama ang dalawa pa para ayusin ang patubig sa nasabing barangay.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Major Ramil Mendioro, bago ang pagtama ng kidlat, nakuhanan pa ni Guntang ng video ang lugar.

Si Soriano ang sinasabing may hawak ng cellphone nang tumama ang kidlat at pinakanapuruhan.

“Accordingly, ‘yong may cellphone na ito, hawak-hawak niya ‘yong cellphone. Then no’ng ibinulsa, biglang kumidlat at siya ‘yong talagang napuruhan,” ani Mendioro.

Ayon sa pulisya, maaaring gawa ng signal ng cellphone na ginamit ng mga biktima sa kanilang video ang dahilan upang tamaan sila ng kidlat. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.