Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 malaking karera sa San Lazaro

0 93

Makikilatis ang tikas ni Noon Bell laban sa anim na karibal sa pagtakbo bukas ng 2020 PHILRACOM Road to Triple Crown Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Matagal na natengga kaya walang masyadong batak si Noon Bell na sasakyan ni star jockey Jonathan Hernandez sa event na may P300,000 ang hahamiging premyo ng mananalo.

Ang iba pang mga kakaripas ay sina Lucky Savings, Prettiest Star, Under Pressure, Westpointer, Redhead Dancer at Radio Gaga para sa ikalawang Linggo ng karera na nahinto noong Marso dahil sa Covid-19.

Pasisibatin din ang Three-Year-Old Maiden Race na may tumataginting na P720,000 top purse na paglalaban nina Top Czar, Drummer Girl, Bishop Blue, Laguardia, Cartierruo, Cats Magic at Sky Commander. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.