Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 Male personality sarado na ang bibig

0 1,219

Maraming nagtataka-nagtatanong kung bakit biglang nanahimik ang isang pamosong male personality na panay ang kuda nu’n tungkol sa isang network.

Pati nga ang mga artista ng istasyon ay kinakalaban niya, lalo na ang isang sikat na aktor, kaya naging negang-nega ang kanyang dating.

Pero ilang buwan nang nananahimik lang ang male personality, walang anumang naririnig mula sa kanya, hindi na rin siya nagpo-post ng maaasim niyang komento tungkol sa network at sa mga kapwa niya artista.

Kuwento ng isang source, “Sinadya niya ang pananahimik, nahihirapan siyang magbalanse, kasi nga, nandu’n sa network ang mga kadugo niya.

“Nasabi na niya nu’n ang gusto niyang sabihin, halos mag-away na nga sila nu’ng aktor na idinamay niya sa kanyang galit, tama na raw ‘yun.

“Kung magsasalita pa kasi siya, e, maraming aaray na mga artistang hindi naman iba sa kanya. Nandu’n ang kabuhayan ng mga kadugo niya, kaya kung makikisali pa siya sa controversy, e, baka sila-sila na mismo ang magkaroon ng away,” unang kuwento ng aming source.

Siguro raw ay kinausap nang masinsinan ng isa niyang mahal sa buhay ang male personality na huwag nang makisawsaw pa sa isyu ng network.

Patuloy ng aming source, “Puwede rin namang ganu’n nga ang nangyari.

Baka kinausap siya ng isang girl na hindi niya makakayang tanggihan.

Baka sinabihan siyang manahimik na lang, kasi nga, du’n nagtatrabaho ang girl!

“Sobrang sakit nga naman para sa girl ang nangyari sa network, wala na siyang trabaho, tapos, magsasalita pa ang male personality ng kung anu-ano! Doble ang tama nu’n sa kanya.

“Saka siguro, dahil nailantad na naman niya nu’n ang mga pinaggagagawa ng istasyon sa mga nagtatrabaho sa kanila, e, tama na ‘yun!

“Kung nanahimik na siya, e, ganu’n din ang pinuruhan niyang male personality na pagkatapang-tapang nu’ng una, pero tameme na rin ngayon na ipinagtataka ng mga nakatanaw lang sa mga nangyayari.

“Pareho na silang nananahimik ngayon, sarado na ang bibig nila,” pagtatapos ng aming impormante.

Aljur mahihiyang bumalik sa GMA

Mahaba ang litanya ni Aljur Abrenica nu’ng tanungin siya tungkol sa matinding laban na naengkuwentro ng ABS-CBN. Pero ang natandaan lang ng iba ay ‘yung sinabi niya na laban ‘yung ng istasyon at hindi niya laban.
Natural, nakatikim siya ng pitik at puna, hindi raw siya maingat sa pagsasalita, kaya siya nalalagay sa alanganin.

Nabasa namin nang buo ang kanyang sinabi, natural lang daw namang nalulungkot siya dahil sa ABS-CBN siya nagtatrabaho. Isa rin siya sa mga tinamaan sa pagsasarado ng network.

At dahil hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ng GMA-7 na nagkademandahan pa sila ay inuunahan na si Aljur ng mga miron na hinding-hindi na siya tatanggapin pa ng pinanggalingan niyang istasyon.

At may katotohanan naman ‘yun, kahit siguro si Aljur ay mahihiya nang bumalik pa sa network na nakalaban niya sa husgado, hindi ganu’n kadaling lumundag pabalik sa istasyong nakasamaan niya ng loob.

Dahil sa kanyang isinagot na laban ng istasyon ang nagaganap at hindi sa kanya ay kung anu-ano tuloy na isyu ang ibinabato pabalik sa kanya.

Muling nabuhay ang paglalarawan sa kanya bilang aktor na matagal nang ipinaangkin sa kanya, ang pagiging hamonado, na sinundad pa ng komento ng isang direktor na, “All jaw, no balls” siya.

Sa susunod ay kailangan niyang mag-ingat sa pagpapakawala ng mga pahayag. Ganyan din ang nangyari kay Angel Locsin na sa sobrang pagiging emosyonal sa kanyang ipinaglalaban ay nakapanakit ng kalooban ng kanyang mga kapwa artista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.