Abante Tonite Interactive

2 mambabatas magkaribal sa pag-ibig

624

Sa dinami-dami ng lalaki sa Pilipinas, sa iisang politiko pa nagkagusto ang dalawang babaeng mambabatas.

Napag-alaman ng Tonite na may namagitang love triangle sa politiko at sa dalawang lady solon.

May asawa na ang politiko pero dahil may katandaan na ito ay humanap siya ng mas bata pero hot mama este hot mambabatas.

Kaya nang mamaalam sa mundo ng politiko, aba’y parehong iniyakan ng dalawang mambabatas ang nawala sa kanilang puso.

Clue: May letrang L at P sa pa­ngalan ng dalawang mambabatas as in Lahing Pikutin ang kanilang inibig.