Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 manager nagmurahan sa text

0 418

ROMMEL PLACENTE: Usong-uso sa mga talent na pag sumikat na ay umaalis na sa kanilang manager na nakadiskubre sa kanila.

Kanya-kanyang dahilan. Sa kaso ni Marian Rivera,after 7 years ay umalis na siya sa pangangalaga ni Popoy Caritativo.Ang binigay niyang dahilan ay hindi na progressive ang kanilang relasyon bilang talent at manager. Lumipat siya sa AAA ni Mr. Toni Tuviera. Mabuti na lang at walang awayang nangyari kina Popoy at Mr.Tuviera.

Si Gerald Anderson, ay umalis sa pangangalaga ng discover/manager niya na si Jun Reyes na dati ring manunulat.Lumipat si Gerald sa Star Magic.Wise decision ang sinabi ng iba kay Gerald. Sigurado naman daw kasing bobonga ang kanyang career dahil mabibigyan siya lagi ng project ng ABS-CBN 2 since nasa Star Magic na nga siya,na nangyari naman.

Kayo mga ka-Cuatros,sino ang alam ninyong mga artista ang lumipat sa ibang manager na naging dahilan para makaaway ng dating manager ng talent? May kilala rin ba kayong talent na nasulot ng ibang manager?

RODEL FERNANDO: May kuwento ako pero idadaan ko muna sa blind item. Dalawang sikat na aktres ang mawawala sa poder ng kilala at magaling na talent manager. After the loving and caring na ginawa niya sa kanyang dalawang alaga ay lalayasan na siya.

Sa kuwento, may kinalaman daw sa pag-alis ang mga mahal nila sa buhay. Kay aktres A muna tayo na katatapos lang ng kanyang teleserye. Ang tsika ay aalis na ito sa pangangalaga ng kaniyang manager dahil hindi na raw ito masaya.

Ang tsismis ay madalas daw kasi siyang masabihan dahil sa kanyang attitude problem na ikinaiirita niya. Pero ang pag-alis niya ay totoo na talaga. Ang hindi lang maganda ay ang lilipatan niyang talent manager ay nakaalitan ng kanyang manager.

Si aktres B naman ay lumisan na rin sa pangangalaga ni pamosong manager pero hindi malinaw kung dahil sa kanyang buhay pamilya. Pero kumpara naman kay aktres A ay hindi naman nag-iwan ng kanegahan ang kanyang pag-alis. Natapos na yata ang kanyang kontrata sa talent manager. Ang tanong lang ay bakit hindi siya ni-renew o bakit hindi siya nag-renew ng kanyang kontrata? Well, sabi ng aming nakausap baka raw nabagalan na siya sa itinatakbo ng kanyang career dahil matagal nang wala siyang project.

MILDRED A.BACUD: Si Xian Lim nagkaroon ng isyu sa Star Magic nang lumipat sa Viva. Sumama ang loob ng dating management ng aktor dahil hindi nila inakala na lalayasan sila nito. Kung di raw sa paglalambing ni Kim Chiu na masama ang nobyo sa serye niya sa Dos ay hindi pa siya mabibigyan ng pagkakataon makabalik sa Kapamilya network.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi ba si Julia Barretto ay pinalitan ni Heaven Peralejo sa seryeng Bagong Umaga? Mula nang layasan niya ang Star Magic at lumipat sa Viva ay hindi na rin naging prayoridad ng Kapamilya network ang aktres.

Marami ang mga ganitong pangyayari sa showbiz.Nag-aaway ang mga managers. Hindi ba nu’ng mag-break sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ay nagkapersonalan. May pasaring si Popoy na laos na ang hula ay si Becky Aguila ang tinutukoy.

ROLDAN CASTRO: Maugong ngayon ang balita sa magkaibigang manager na nagmurahan sa text. Grabe ang palitan nila ng salita sa text. Naglabasan ng baho.Hindi mo akalain na mag-aaway sila dahil magkaibigan sila.

Hindi naman sulutan ng talent ang nangyari. Dinirekta lang ni manager A ang alaga ni manager B. Feeling ni B ay na-bypass siya at nabastos.

Pero posible ring magkabati sila dahil sa huling text ni A ay kumambyo siya.

Samantala, minsan may nag-aaway na manager na nagsusumbong sa grupo nila. Pag napatunayan na may kasalanan ang nireklamo ay hindi sila papayag na makatrabaho ng alaga nila ang talent ng salarin.

Kaso, kamakailan ay pumalpak ang reklamo ni manager C dahil kinaladkad niya sa grupo nila si manager D. Bakit daw kinuha ni D sa isang proyekto ang actor-singer na alaga ni C? Ang sagot ni D bakit hindi sila mag-usap ng alaga niya dahil co-producer ito sa ginagawa nila.

Napahiya lang si manager C sa complain niya,huh!

Zino zila?

Leave A Reply

Your email address will not be published.