Abante Tonite Interactive

2 mangingisda hinigop ng isla

321

Patuloy ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa dalawang mangingisda na sakay ng isang bangkang de-motor na napaulat na nawawala sa isla na nasasakupan ng Calayan, Cagayan.

Kinilala ng PCG-Isabela ang mga mangingida na sina Joel Pedronan, 26, at Norman Gumarang, 30, kapwa resident ng Brgy. Dilam, ng nasabing bayan.

Ayon sa PCG-Isabela, sa sampung bangka, siyam lamang ang nakabalik matapos mangis­da ang mga ito sa may bahagi ng Dipari island noong Enero 10, Biyernes na kung saan ang bangka nina Pedronan at Gumarang ang nawawala pa.

Sinabi ng ahensiya, ayon kay Ofelia Mariano, kamag-anak ng isa sa mga biktima, hindi naman umano maalon nang pumalaot ang mga ito ng madaling-araw at posibleng napadpad ang dalawa sa may bahagi ng karagatan na may malakas ang alon lalo na sa Dipari Bassit.

Nanawagan si Mariano­ na kung sakaling napadpad ang mga biktima sa mga kalapit na lugar ay ipagbigay-alam sa mga awtoridad. (Allan Bergonia)