Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 Manileno nadilaan ng apoy

0 84

Dalawa ang nasugatan sa naganap na sunog kahapon ng tanghali sa may Lambingan St., Sta. Ana, Maynila.

Sa inisyal na ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nasa may 30 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa naganap na sunog.

Nagsimula ang sunog, alas-11:42 ng umaga na umabot sa ikatlong alarma at idineklarang fire out alas-12:44 ng tanghali.

Nagsimula umano ang sunog sa bahay na inookupa ng isang Erwin Cormes.

Nakitang isinakay sa ambulansiya ang nasugatang babae at isang lalaki.

Patuloy naman iniimbestigahan ang sanhi ng sunog. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.