Abante Tonite Interactive

2 may sakit sa pag-iisip, sinagip sa Taal danger zone

138

Naispatan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang lalaki na may sakit sa pag-iisip sa bayan ng Agoncillo, Batangas na pasok sa 14-kilometer danger zone bunsod ng pagsabog ng Taal Volcano.

Napapatrulya umano ang mga operatiba ng PCG mula sa Task Force Taal nang makita nila ang dalawang lalaki sa Brgy. Balibeweng, Agoncillo, Batangas nitong Linggo.

Sa isang bahay nakita ang isang lalaki, na ayon sa mga sumagip ay iniwan umano ng kanilang mga kasama at hindi sinama sa pag-evacuate.

Kaagad na tinawid ang dalawang indibidwal sa ligtas na lugar at sinailalim sa medical check-up bago i-turn over sa regional emergency response team. (RP)