Abante Tonite Interactive

2 menor de edad nanloob sa jewelry shop

445

Arestado ang dalawang menor de edad makaraang manloob diumano sa isang jewelry shop sa city public market sa Brgy. Rafael Rueda, San Jose City, Nueva Ecija.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Mayor Mario Salvador, mga out-of-school youth ang dalawang inaresto na edad 13 at 17-anyos.

Nabatid na natuklasan ng may-ari na si Donato Francisco Gonzales na napagnakawan ang kanyang jewelry repair shop sa loob ng San Jose City Public Market at natangay ang may P100,000 halaga ng mga alahas.

Sa isinagawang follow-up operation nina PSSg Dunhill Aziz Chua sa tulong ng closed-circuit television (CCTV) camera at social media ay nakilala at natunton ang dalawang menor de edad.

Isinailalim umano ang dalawang binatilyo sa medical examination matapos maaresto bago ibinigay sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil mga menor de edad pa. (Jojo De Guzman)

Tonite – Wendys Inhouse Ad