Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 merchandiser talsik sa hit-and-run

0 149

Isang empleyado ng isang supermarket ang namatay habang isa pa ang kritikal matapos na ang dalawang magkaangkas sa motorsiklo ay mabangga ng van isang intersection sa Lucena City, Linggo ng gabi.

Dead on the spot ang nagmamanehong si Tristan Cabana Millares, 34-anyos, samantalang walang malay na isinugod sa ospital ang backrider niyang si Jhodiel Caballero Cansanay, na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan.

Ayon sa Lucena Police, nangyari ang insidente sa intersection ng dalawang major road sa lungsod sa Gomez Street at Quezon Avenue, dakong alas-11:00, kamakalawa ng gabi.

Related Posts

Tinatahak ng motorsiklo ang Quezon Avenue at nasa gitna na ito ng intersection nang salpukin ng humahagibis na Mitsubishi L300 FB van.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang dalawang biktima at lumagpak sa sementadong kalsada habang nagpatuloy naman sa pagtakbo ang van at tuluyang tumakas sa lugar.

Sinisiyasat pa ng Lucena PNP ang mga kuha ng CCTV sa lugar para matukoy ang nakasagasang sasakyan at ang driver nito. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.