Abante Tonite Interactive

2 milyong deboto dumagsa sa Sinulog festival

91

Tinatayang mahigit dalawang milyong deboto ang dumalo sa Sinulog festival kung saan isinagawa ang ritwal na ‘colorful dance’ sa mga kalsada sa Cebu City nitong Linggo.

Gayunman, nilinaw ni Central Visayas Police Regional Office director Police Brig. Gen. Valeriano De Leon na batay pa lamang ito sa kanyang pagtataya at hindi pa opisyal na kumpirmado ang nasabing bilang ng mga deboto.

Nabatid na bago pa man ginanap ang festival ay marami nang mga naunang event at kompetisyon ang isinagawa araw-araw katulad ng kantahan, sayawan, at iba pang aktibidad. (Dolly Cabreza)