Abante Tonite Interactive

2 misis arestado sa droga, bala

332

Kalaboso ang dalawang ginang matapos mahulihan ng mga bala ng mataas na kalibre ng baril at shabu, sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, Sabado nang hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Julie Ann Paronia, 27 at Evangeline Leongson, 42, kapwa residente ng Brgy. Sepac Almacen.

Ayon sa ulat bandang alas-kuwatro ng hapon nang ikasa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya ukol sa aktibidad ng dalawa.

Isa sa mga pulis ang nagkunwaring buyer at umiskor ng 20 piraso ng bala ng cal. 45.

Matapos iabot ang mga bala, dito na sila dinamba mg mga pulis.

Nakuha pa sa dalawang ginang ang apat na sachet ng hinihinalang shabu.
Kinasuhan ng paglabag sa Sec. 32 ng RA 10591 o illegal possession of ammunition sina Paronia at Leongson. (Orlan Linde)