Abante Tonite Interactive

2 misis kulong dahil sa tsismis

554

Dahil umano sa mapanirang tsismis ay kulungan ang bagsak ng dalawang misis matapos itong ireklamo ng isang mister na kanilang siniraan, Linggo ng umaga sa Apa­rri, Cagayan.

Sadyang hindi pinangalanan ng pulisya ang dalawang misis na suspek sa pagkakalat ng tsismis na residente ng Brgy. Maura ng bayang ito.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, ikinalat umano ng dalawang misis na nambababae ang isang mister na kanilang kapitbahay na nakarating naman sa asawa ng biktima.

Kinompronta ng misis ang mister na mariin namang itinanggi ang paratang.
Para mapaniwala ang kanyang kumander ay isinama pa niya ito sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang dalawang misis na nagkakalat ng fake news laban sa kanya.

Sa ngayon ay nakapiit ang dalawang tsismosang misis sa Aparri Municipal Police Station at sising-sisi sa tinuran laban sa kanilang kapitbahay. (Edwin Balasa)

Tonite – Wendys Inhouse Ad