Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 mister niratrat sa Calamba

0 251

Patay ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na pamamaril sa Calamba City, Laguna nitong Huwebes.

Batay sa report ng Calamba City police, magkasunod na binaril sa magkahiwalay na lugar ang dalawang biktima na magkabaranggay.

Unang nasawi ang 54-anyos na si Filomeno Quiatchon Motel, matapos na ito ay pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin sa labas ng kanilang bahay sa Brgy. Maunong dakong alas-5:15 ng hapon.

Ayon sa misis ng biktima, isa sa mga suspek ang tumawag sa biktima na noon ay nasa loob ng kanilang bahay. Paglabas nito, bigla n lamang itong pinagbabaril ng mga suspek at saka tumakas. Hindi na nadala sa ospital ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Bandang alas-sais naman ng gabi nang barilin din ng hindi nakilalang suspek ang isa pang biktima na si Marvin Esquivel Lira, 33, habang ito ay nakaupo sa kanyang motorsiklo na nakatigil sa isang gasolinahan sa Brgy. Makiling.

Hinihintay lang ng biktima na taga-Brgyg. Maunong din, ang kanyang asawa kaya ito nakatigil sa gasolinahan. Agad ding nasawi ang biktima.

Inaalam na kung magkaugnay ang dalawang krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.