Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 most wanted nabitag

0 73

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang sinasabing dalawang Most Wanted Person nang umuwi at maispatan sa kanilang tahanan sa Bagong Silangan, Quezon City, Martes ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BriG. Gen. Danilo P Macerin, ang naarestong sina Jerico De Vera, 33, at Roberto Labayne, a.k.a “JR”, 32.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Gen. Macerin, alas-8:40 ng gabi (January 6) nang mahuli si De Vera ng mga operatiba ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) sa pamumuno ni PLt. Col. Roldante Sarmiento.

Si De Vera ay nasa No. 1 Most Wanted Person ng PS 13 at naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape.

Bandang alas-9:40 ng gabi (January 5), nadakma rin ng Cubao Police Station (PS 7) na pinamumunuan ni PMaj Jowilouie Bilaro si Labayne na pang-No. 9 Station Level Most Wanted Person ng PS 7 at may warrant of arrest sa kasong slight physical injuries. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.