Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 motor inararo ng van; 2 patay, 1 sugatan

0 211

Patay ang dalawang magkaangkas sa motorsiklo habang sugatan ang isa pang rider nang araruhin ang kanilang mga motor ng kasalubong na van sa national highway sa Calamba City, Laguna kamakalawa.

Sa report ng Calamba City police, dead on the spot ang driver na si Rafael Base at ang di pa nakikilalang babaeng kaangkas nito.

Sugatan ding isinugod sa ospital ang driver ng isa pang motorsiklo na si Santiago Batallones.

Sa imbestigasyon, magkasunod ang dalawang motorsiklo sa highway sakop ng Barangay Paciano nang mabangga nang kasalubong na L300 van na minamaneho ni Ryan Sapian, 24, ng Tiaong, Quezon alas- 5:00 ng umaga.

Nag-overtake umano sa isang sasakyan ang van kaya nasakop nito ang linya ng dalawang motorsiklo.

Pumailalim pa sa van at direktang nasagasaan ang dalawang nasawi.

Naaresto naman ng mga pulis ang driver ng van. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.