Abante Tonite Interactive

2 motor nagsalpukan, 1 patay

0 230

Nasawi ang 32-anyos na rider nang sumalpok sa kapwa motorsiklo sa Naic, Cavite.

Idineklarang dead-on-arrival sa San Lorenzo Hospital ang biktimang si Joel Campaner ng 22 Pag-asa St., Brgy. Bancaan, habang hawak na ng pulisya ang driver ng isa pang motorsiklong na si John Weinard Ernie, 23, ng Brgy. San Juan, Ternate.

Sa ulat ni PS/Sgt. Harry Culanding ng Naic Police, dakong alas-12:50 Linggo ng mada­ling-araw nang naganap ang insidente sa Brgy. Malainen, Bago, kung saan kapwa binabagtas ng dalawa ang lugar nang magkasalubong at magsalpukan.

Isinugod pa sa ospital si Campaner subalit hindi na umabot nang buhay.
Nabatid na ang da­lawa ay kapwa nagmamaneho na walang mga driver’s license. (Gene Adsuara)