Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 nagpabula sa ilog tatambakan ng kaso

0 160

Kakasuhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dalawang lalaki na nagtapon ng kemikal sa isang ilog sa Barangay Sabang bayan ng Tuy sa Batangas.

Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda, inihahanda na ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa nasabing bayan ang kaso laban sa mga nagtapon ng kemikal sa ilog na sina Romano Cabrera at Mark Anthony Austria.

Mga kasong paglabag sa RA 6969 at RA 9003 o Clean Water Act ang isasampa laban kina Cabrera at Austria, na itinuturong naghugas ng 16 na plastic drum na may kemikal sa paggawa ng sabon.

Sinasabing itinapon umano ng dalawa ang mga pinaghugasan sa ilog ng Sabang na naging sanhi ng pagkaroon ng maraming bula na nagresulta sa pagkamatay ng mga isda doon.

Bukod sa mga nabanggit na kaso, may isasampa din aniya na ibang kaso ang lokal na pamahalaan laban kina Cabrera at Austria dahil sa kawalan nito ng permit sa pagbebenta ng mga plastic drum. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.