Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 nagpakilalang NPA kumander tiklo sa pangingikil

0 136

Kalaboso ang dalawang nagpakilalang kumander ng New People’s Army (NPA) na nangingikil ng pera at kambing sa mga negosyante at mga farm owner sa San Ildefonso, Bulacan kapalit umano ng proteksyon.

Kinilala ang mga suspek na sina Carlon Villanocho at Ronaldo Mamorno na kapwa nahaharap sa kasong robbery extortion. Sa imbestigasyon, nagpakilala ang dalawa na kumander ng NPA para mangikil sa lugar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dito na lumapit ang mga biktima sa San Ildefonso Police at ikinasa ang operasyon sa sangay ng remittance center sa Libis St., Corner A. Mabini Avenue kung saan dinakip ang dalawa habang tinatanggap ang halagang P5,000.

Patuloy na inalaaman ng pulisya kung konektado sa NPA ang dalawang suspek at nakuha sa kanila ang pera at isang cellular phone na kanilang ginagamit sa extortion operation sa mga mayayamang negosyante sa lalawigan. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.