Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 nakamotor nagsalpukan

0 92

KAPWA ginagamot sa ospital ang dalawang rider nang magsalpukan ang minamaneho nilang motorsiklo sa crossing sa bayan ng Kawit, Cavite Biyernes ng gabi.

Kinilala ang riders na sina Mervin Vergara, nasa wastong edad at Julius Bautista y Peralta, 44 na parehong nakaratay sa San Pedro Calungsod dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Sa ulat ni PSSgt Nelvin Trajico, ng Kawit Police Station, minamaneho ni Vergara ang motorsiklo niyang Motor Star na may plakang 4470 at tumawid sa crossing sa Centennial Highway sakop ng Brgy Batong Dalis, Kawit Cavite habang patungo naman sa bayan ng Tanza ang minamanehong motorsiklo na Yamaha SZR na may plakang NG 18621 ni Bautista nang magsalpukan ang dalawa sa nasabing lugar alas-9:45 kamakalawa ng gabi.

Dahil sa insidente, kapwa nagtamo ng sugat sa katawan ang dalawa at nasira ang kanilang motorsiklo. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.