Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 nangisay sa kinabit na WiFi booster

0 97

Dalawa ang patay matapos makuryente habang nagkakabit ng WiFi signal booster sa Inabanga, Bohol noong Biyernes.

Kinilala ang mga nasawi na sina Alein Lao Petalcorin, 33, isang cellphone technician, at Koey Impas, 31, isang laborer.

Ayon sa ulat ng Inabanga police, umuulan nang magkabit ang mga biktima ng WiFi signal booster, para umayos ang internet connection ng ilang mga estudyanteng sumasalang sa online class sa kanilang lugar.

Kasama nila si Ricardo Ucab, 37-anyos.

Habang nagkakabit umano ang tatlo ay tumama sa isang live wire ang ginagamit nilang kawayan kaya nakuryente ang mga ito.

Dinala ang tatlo sa pagamutan, kung saan si Ucab na lang ang natirang buhay at ngayo’y nagpapagaling. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.