Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 nasukol sa ninenok na panabong

0 79

Dalawang lalaking nagnakaw umano ng manok na panabong ang dinakip habang dalawang iba pa ang pinaghahahanap sa nakawang nangyari noong Linggo sa Barangay Sta. Catalina, Talugtog, Nueva Ecija.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Col. Jaime Santos, Nueva Ecija police director, nakilala ang mga naaresto na sina Mario Tigulo Domingo, 54-anyos, residente ng Barangay Sta. Catalina, Talugtog, at Leodegario Salvador Cervantez, 63, residente ng Barangay Sta Cruz, Cuyapo, kapwa sa Nueva Ecija.

SM food to go Banner Ad

Nabatid sa imbestigasyon ni P/SMS. Gregorio Penamante Jr. na ang ninakawan ay ang Nueva Central Ranch sa Barangay Catalina na pag-aari ni Raymond Dela Cruz, 37, residente ng Barangay Bacayao, Guimba.

Tinangay umano ng mga suspek ang aabot sa 32 piraso ng Rhode Island Red chicken na panabong at nagkakahalaga ng P64,000.

Sa tulong ng caretaker na si Al John Roxas Domingo ay naaresto ang dalawa na ikinanta ang mga kasabwat na sina Jerome Cabanting Gasper at isang alyas ‘Jay-ar’, kapwa residente ng Barangay Sta. Catalina, Talugtog, na pinaghahahanap sa kasalukuyan. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.