Abante Tonite Interactive

2 NFL player P15M ang piyansa

0 392

Nakapagpiyansa na sina DeAndre Baker ng New York Giants at Quinton Dunbar ng Seattle Seahawks matapos magsadya sa pulisya na naglabas ng warrants sa dalawang National Football League (NFL) players para sa kasong armed robbery.

Sa ulat ng ESPN, nagtakda si Broward County Judge Michael Davis ng piyansa kay Baker na $200,000 o $25,000 sa apat na kaso din ng armed robbery at apat na aggravated assault charges (with firearm). At

$100,000 kay Dunbar – $25,000 bawat isa sa apat na kaso ng armed robbery.

Mababawi rin ng dalawa ang bond money kapag nakumpleto ang kanialng required court appearances. Si Dunbar ay kikita ng higit $3M ngayong season, samantalang ang base salary ni Baker ay $970,000.

Nag-ugat ang robbery charges sa pagnanakaw ng dalawa, kasama ang isang hindi kinilalang kasabwat, sa 15-20 kataong nasa isang illegal dice game sa Miramar, Florida noong Miyerkoles.

Naglabas ng baril si Baker at sinabihan si Dunbar at kasama nilang naka-red mask na limasin ang pera’t gamit ng guests. Hindi naman nagpaputok ng baril, pero ilang saksi ang nagsabi na sinabihan ni Baker ang pangatlong kasama nila na barilin ang isang taong kapapasok lang sa bahay.

Nanindigan ang abogado nina Baker at Dunbar na inosente ang dalawa sa mga kaso. (Vladi Eduarte)

Tonite – Wendys Inhouse Ad