Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 Nigerian, 4 pa nadakma sa droga

0 76

Anim katao, kasama ang dalawang Nigerian national, ang nasakote matapos salakayin ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang sinasabing drug den sa Barangay Dau, Mabalacat City, Pampanga, Huwebes ng gabi.

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang mahigit-kumulang 30 gramo ng shabu at 30 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, kabilang ang 2 gramo ng ‘kush’ o high-grade marijuana, at drug paraphernalia.

Kinilala ni PDEA Central Luzon director ang dalawang Nigerian na sina Kingsly Anaelechi, 37, binata at naninirahan sa Samson Ville, Barangay Dau at Nelson Okafor Jr., 25 at pansamantalang nakatira sa Barangay San Rafael, Tarlac City.

Ang apat pang suspek ay nakilalang sina April Merino Wright, 25; Eric Canora Desuyo, 29; Norwin David Carpio, 20, at Ralph Joseph Vitug Yalung, 25 pawang residente ng Barangay Dau.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nadakip ang mga suspek habang nagsasagawa ng pot session dakong alas-11:30 ng gabi noong Huwebes sa loob ng isang bahay sa San Juan Street, Villa Teodora sa nasabing lugar.

Nadiskubre ang nasabing drug den dahil sa impormasyon na ibinigay ng mga lokal na residente sa mga tauhan ng PDEA.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nakapiit sa jail facility ng PDEA Regional Office sa Barangay Maimpis, San Fernando, Pampanga matapos sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Rudy Abular)

Leave A Reply

Your email address will not be published.