Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 Nigerian, 5 Pinoy timbog sa BDO hacking

0 209

Bumagsak sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang Nigerian national at limang iba pa na sangkot diumano sa Banco de Oro (BDO) hacking noong Disyembre 2021.

Kabilang sa nasakote ang isang 27-anyos na hacker na matagal nang tinutugis ng mga awtoridad.

Inamin umano ng hacker na gumagamit ng handle na X-men, sa NBI Cybercrime Division na siya ang nagbigay ng database sa mga Nigerian.

Ikinumpisal rin umano ng hacker na sangkot siya sa pag-hack ng mga government at private website kung saan kinukuha nila ang mga importanteng detalye at binebenta ng daan-daang libong piso ang halaga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isa pang miyembro ng grupo ang umamin umano na siya ang may kagagawan ng email blast sa mga BDO account holder.

Ang dalawang Nigerian na may student visa ay inaresto sa Angeles City habang nasakote naman ang mga kasabwat nilang Pinoy sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila.

Inamin umano ng mga suspek ang pagkakasangkot sa BDO hacking at sasampahan ang mga ito ng mga kaukulang kaso.

Samantala, isang 25-anyos na babae na miyembro ng grupo ang nagsabi sa online news site Politiko na bukod sa BDO scam ay sangkot din sila sa cloning ng GCash accounts. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.