Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 Nigerian, Pinay timbog sa online scam

0 71

Nabuwag ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang isang online fraud ring matapos maaresto ang dalawang Nigerian national at isang Pinay sa isinagawang operasyon kahapon sa Las Pinas City.

Kinilala ang suspek na sina Evans Amara Okeke, 26, at Chidiebere Junior Ezema, 26, kapwa Nigerian national; at Judy Ann Japitana, 23. Ang mga ito ay naaresto kahapon ng Cyber Financial Crime Unit (CFCU) ng PNP-ACG.

Ayon kay PNP chief General Debold Sinas, nag-ugat ang pagdakip sa mga suspek matapos humingi ng tulong si Ellen Briones, 64, may-asawa, taga-#22 Malakas St. Brgy. Pinahan, QC.

Sa reklamo ng biktima sa PNP-ACG, umaabot na umano sa P3.2 milyon ang naipadala niya kay Evans sa pamamagitan ng money transfer.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Salaysay ni Briones, nagkakilala umano sila ni Evans na gamit ang pangalang Michael Gerard, na isa umanong engineer sa social media at nagkaroon umano sila ng relasyon.

Nilansi umano si Briones ni Evans na papunta sa Pilipinas at may malaking mall na itatayo sa San Fernando, La union na pinaniwalaan naman ng ginang.

Nang mabistong manloloko, agad humingi ng tulong sa PNP-ACG ang biktima na ikinadakip ng tatlo. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.