Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 Nigerian UCPB hacker pinalaya

0 127

Ni Nancy Carvajal

Nakakagala na ngayon ang dalawang Nigerian nationals na sinasabing sangkot sa naganap sa pangha-hack sa P167 million ng state-owned United Coconut Planters Bank (UCPB) matapos mapalaya sa kustodya ng Bureau of Jail Management and Penalogy (BJMP).

Ayon kay National Bureau of Investigation Cybercrime Division head Vic Lorenzo, dalawa sa apat na suspek ay pinawalan ng BJMP matapos magpiyansa habang ang dalawa pang nasa poder ng NBI ay nanatiling nakakulong.

“They should not have been released because there was a pending immigration case filed against them. But, what is more worrisome is that they can execute hacks on their targets,’’ saad ni Lorenzo kung saan hindi aniya sila naimpormahan sa paglaya ng dalawa na dapat ay nagkaroon muna ng koordinasyon sa kanilang arresting unit.

“We do not want to impute any malice on our counterparts, but they should have coordinated with us first because they are aware of the violation of immigration laws by the suspects,’’ dugtong pa nito.

SM food to go Banner Ad

Magugunitang dinakip ang apat na Nigerian noong Sept. 8 sa dalawang condo unit sa Sucat, Muntinlupa, dahil sa pagkakasangkot umano sa sindikato ng international hacker.

Kinilala ang mga ito ni NBI Officer-In-Charge Director Eric Distor na sina Nkechukwu Sunday Promise Ekekwe, Emmanuel Obi Nwadkure, Divine Chinecherem Obioma, at Domike Izuchukom Obioma.

Kinulong ang apat sa NBI jail ngunit dalawa sa mga ito ay hinirit na ilipat sa BJMP sa Bicutan.

Nababahala ngayon ang mga imbestigador sa posibleng muling pang-aatake ng grupo.

Hinihinala ring napasok ng mga suspek ang bank’s core system sa kabila ng mahigpit na online security upgrade nitong linggo kung saan nabatid na 13 accounts ng mga lokal na residente ay nadiskubre ng NBI na may koneksyon sa hacking.

Leave A Reply

Your email address will not be published.