Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 NPA dinampot sa Bukidnon

0 62

Huli noong Lunes ng mga tropa ng pamahalaan ang dalawang hinihinalang mga opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Bukidnon, ayon sa Philippine Army (PA).

Kinilala ng PA ang naaresto na sina Ramil Banawan alyas Migs/Kim/Edukaw, 35-anyos, secretary umano ng Guerilla Front Malayag, Sub-Regional Committee 2 ng North Central Mindanao Regional Committee; at Marcelito Bandigan, 18, team leader umano ng Squad Uno sa parehong guerilla front.

Sinasabing nahuli ng 4th Infantry Di­vision-88th Infantry Battalion (88IB) ang dalawa sa Brgy. Palacpacan, San Fernando, Bukidnon, kamakalawa ng hapon.

Narekober ang M16 rifle at 9mm Glock pistol mula umano sa mga suspek, na nasa headquarters na ng 88IB sa Maramag, Bukidnon.

Sinabi ng Army na ang mga suspek ay nahaharap sa kasong Destructive Arson at Frustrated Murder na kapwa inisyu ni Judge Wilfredo Bibera ng RTC 10, Branch 46 sa Malaybalay City, Bukidnon. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.