Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 NPA leader tiklo sa bakuna site

0 112

Arestado ang dalawang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa police operation nitong Lunes sa Paranaque City, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) kahapon.

Pinuri naman ni PNP Chief General Dionardo Carlos ang pulisya sa matagumpay na pagkakadakip sa mga suspek na sina Ernesto Lorenzo at Rosita Celino-Serrano, high ranking officials ng CPP-NPA-NDF, Southern Tagalog Regional Party Committee, at kabilang sa mga most wanted person dahil sa mga kasong murder at kidnapping.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 4A (Calabarzon) Regional Director Brig. Gen. Antonio Yarra, nadakip ang mga suspek nitong Lunes sa Paranaque City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Napag-alaman na nagtungo ang mga suspek sa Paranaque City para sa schedule ng kanilang vaccination kontra COVID-19 nang sila ay maaresto ng kapulisan.

Si Lorenzo ay NDF Consultant, Executive Committee ng CPP/NPA/NDF na may 2 standing warrant of arrest sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention at attempted murder habang si Rosita Celino ay may pending warrant of arrest sa kasong murder ay may P5M pabuya sa ulo.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.