Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 NPA opisyal dinakip

0 71

Arestado ang dalawang sinasabing mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) – Caraga sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines kahapon sa Quezon City.

Kahapon ay iprinisinta ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa Camp Crame ang mga nadakip na sina Julieta Gomez, alyas ‘Tina,’ 39, Secretary ng Regional Urban Committee at Niezel Velasco, alyas ‘Mary Jane Velasco,’ 39, Regional Liaison ng NEMRC.

Ang dalawang opisyal ay pinosasan aniya kahapon ng madaling-araw sa bisa ng warrant of arrest sa mga kasong murder at attempted murder sa Kaingin 1, Brgy. Pasol, QC.

Nadakip sina Gomez at Velasco mga suspek sa isinagawang joint operation ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at militar matapos makakuha ng impormasyon ang awtoridad hinggil sa pinagtataguan ng mga ito.

Sinasabing nakuha mula sa mga suspek ang matataas na kalibre ng baril, granada, watawat ng NPA, at mga subersibong dokumento ng hukbo.

Sa ngayon ay nakakulong ang mga suspek sa CIDG National Capital­ Region sa Camp Crame. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.