Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 NPA todas sa engkwentro sa Negros

0 218

Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army matapos makipagbakbakan sa puwersa ng Philippine Army nitong Sabado.

Ayon sa report ng 15th Infantry Battalion, ang mga rebelde ay kinilalang sina alyas ‘Michael/Nonoy’ at alyas ‘Ken-ken’, na pinaniniwalaang nagmula sa Platoon 3 ng Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Saad ni 15th Infantry Battalion commanding officer Lt. Col. Erwin Cariño, ang impormasyon mula sa mga lokal ay nakatulong para malaman ang presensya ng NPA sa naturang lugar.

“The encounter is a clear result of the collaborative efforts between the government and the community,” ayon kay Cariño.
Nakiramay din ito sa mga pamilya ng nasawing rebelde, at nangakong tutulong sa pagpapalibing ng mga ito. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.