Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 Nursing grad, estudyante minasaker

0 246

Target ngayon ng Caloocan City Police ang hindi pa nakikilalang suspek na kumitil sa buhay ng isang estudyante at dalawang nursing graduate na natagpuang naliligo sa sariling dugo kahapon ng madaling araw sa Amparo, Caloocan City.

Batay sa report ng Caloocan City Police, nakilala ang mga biktima na sina Arjay Belencio y Sarmiento, 22, student; Glydyl Belonio y Mamon, 23, at Mona Ismael Habibolla, 22, kapwa nursing graduate at mga taga-Catmon St., Phase 1, Barangay 179 Amparo Subd. Caloocan City.

Ayon kay PMajor. Enrique Torres, hepe ng Station Investigation Division, mahaharap sa kasong three Counts of Murder by Stabbing ang hindi pa matukoy na salarin.

Natagpuan ang bangkay ng tatlong biktima bandang alas-12:30 Linggo ng madaling araw sa inuupahang bahay sa Amparo Subd. nina Jhonny Aliansas y Cencia at John Roy Sarmiento Y Baloyo, 20-anyos, matapos silang utusan ng kaanak ni Belencio na dalawin ang biktima dahil hindi umano ito sumasagot ng tawag sa cellphone.

Pumanik pa umano sila ng bakod para mapasok ang bahay hanggang sa tumambad sa kanila ang duguang bangkay ng tatlo. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.