Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 obrero lumagapak sa construction site

0 121

Todas ang dalawang obrero habang malubha ang isa nilang kasamahan nang mahulog habang hinihila ang bloke pataas sa ginagawang gusali sa La Loma, Quezon City, Lunes ng umaga.

Dead-on-arrival sa ospital sina Arnel Kapistrano Esquitado at Rex Laorio Dela Rosa, kapwa nasa hustong gulang habang inoobserbahan sa East Avenue Medical Center ang sugatang kasama na si Richard Balatukan Gregorio, pawang taga-Bulacan.

Sa inisyal na report sa Quezon City Police District La Loma Police Station 1, ika-10:30 ng umaga nang maganap ang sakuna sa construction site sa kanto ng Calamba St., at Sto Domingo, Brgy Sto Domingo, QC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa saksing si Zaldy Reyes, abala sa pag-iinstall ng beam at habang hinihila ang ‘chinblock’ o bloke na may 12 metro ang taas ay na-dislocate ang ‘metal boom’ at aksidenteng nalaglag.

Agad namang isinugod sa East Avenue Medical Center kung saan idineklarang patay sina Esquitado at Dela Rosa, sanhi ng grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Masusi pa ngayong iniimbestigahan ng pulisya ang trahedya. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.