Abante Tonite Interactive

2 organisasyon pasisiglahin ang Asian eSports

473

Nagkasundo ang International Esports Federation (IESF) at Asian Electronic Sports Federation (AESF) para pasiglahin ang nasabing sport sa Asya.

Pumirma sa isang Memorandum of Understanding (MoU) ang dalawang organisasyon para partnership na isinagawang electronically dahil sa coronavirus disease 2019 pandemic.

Nangangahulugan na ang IESF ngayon ang kinikilala ng AESF bilang world governing sport body at ang una sa huli ang nagtatakda rito bilang continental sport body.

“The MoU between the IESF and the AESF further reinforces IESF’s position as the only true international federation for esports,” paliwanag ni IESF President Colin Webster ng Wales, habang idinagdag na ang agreement ay nagpatibay sa posisyon ng AESF.

“Together, the two federations will ensure a greater degree of delivery and expertise, as well as ensuring the development and recognition of esports as a sport,” hirit niya.

Binuo noong 2008 ang IESF na may 60 miyembro kasama ang Colombia, Kazakhstan, Turkey at Ukraine na mga pinakahuling sumali ngayong buwan.

Si Webster at EASF President Kenneth Fok ng China ang mga pumirma sa kasunduan.

“Today is “an exciting day for us” and wished to thank everyone involved,” dakdak ni Fok. “I am sure that the partnership today is strong enough to unite the esports community, including publishers, organisations, and most importantly our esports players.” (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad