Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 pa sa Kongreso na-virus

0 107

Dalawa pang empleyado ng Kamara ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa kabuuan ay umabot na sa 85 ang tinamaan ng COVID-19 sa Kapulungan.

Ayon kay House Secretary-General Atty. Jose Luis Montales, pinakahuli sa nadagdag na kaso ay isang empleyado mula sa Administrative Department na huling pumasok noong September 1.

Ikalawa ay isang babaeng kawani mula sa Payroll Group, Accounting Service na huling pumasok sa trabaho noong September 21.

Nagsasagawa na ngayon ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga ito.

Sa kasalukuyan ay mayroong 15 aktibong kaso ng COVID-19 sa Kamara.

(Eralyn Corvera Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.