Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 panalo ni Saso swak sa ‘GDO’

0 65

Kinilalang No. 2 sa 2020 top 10 news ng Golf Digest Online ang back-to-back championship ni Yuka Saso sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020 nitong August sa likod nang pag-urong sa July 2021 ng 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo nitong July.

Kinopo ng 19-anyos na Fil-Japanese na isinilang sa San Ildefonso, Bulacan ang NEC Karuizawa nitong Aug. 14-16 sa Nagano at ang Nitori Ladies sa Hokkaido nitong Aug. 27-30 upang maging third player na tinedyer na umiskor ng kambal na panalo sapul nang pairalin ang tour system noong 1998.

Ang kagku-collapse ni Japanese ace Hinako Shibuno sa final round ng 75th US Women’s Open sa Houston, Texas nitong December ang third top story ng taon para sa GDO, na isa sa world’s leading web portals.

Nilunsad ni Saso ang kampanya sa pagiging rookie pro nitong June 25-28 sa pagpanlimang puwesto sa Earth Mondahmin Cup sa Chiba. Sinundan ni Saso sa record ang dalawang Nippon golfer na sina Ai Miyazato at Nasa Hataoka. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.