Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 pang lindol kabuntot ng magnitude 6.3 sa Batangas

0 80

Dalawa pang lindol ang naitala sa Pilipinas kahapon, saktong araw ng Pasko.

Ayon sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang magnitude 4.3 earthquake struck sa may Lubang Island sa Occidental Mindoro ganap na alas-4:37 ng hapon.

Kasunod noon ay panibagong magnitude 4.3 quake din ang naitala sa San Francisco, Quezon province bandang alas-6:00 ng gabi.

Sa nasabing pagyanig, naramdaman ang Instrumental Intensity III sa Gumaca Quezon.

Intensity II naman sa Lopez, Quezon at Mercedes, Camarines Norte.

Habang Intensity I naman sa mga lugar ng Lucena City; Dolores, Lucban, Guinayagan sa Quezon; Jose Panganiban, Camarines Norte at Sipocot Camarines Sur.

Unang nilindol ang bansa bandang alas-7:43 ng umaga sa Batangas na may lakas na magnitude 6.3 at naramdaman sa Metro Manila.

Sinundan ito ng magnitude 5.2 sa Davao Occidental alas-10 ng umaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.