Abante Tonite Interactive

2 party-list nominee balyahan sa poster

By
0 176

Iritang-irita raw ang isang kilalang nominee ng isang bagong party-list group sa kasamahan nitong nominee rin sa grupo.

Masyado raw ­kasing mayabang at nagmamalaki ang kasama nilang nominee gayung hindi naman ito gaanong sikat.

Ang siste, nais daw kasi ng mas popular na nominee ng grupo na ilagay ang kanyang la­rawan sa campaign paraphernalia ng grupo upang mas maging pansinin at matandaan ng tao.

Pero ayaw daw pumayag ng ating bida, dahil ang nais daw nito ay pati ang kanyang mukha ay bumalandra sa kanilang mga mater­yales.

Ang katwiran ng kila­lang personalidad, hindi naman mahalaga ang mukha ng ating bida dahil ang kailangan nilang ibenta ay ang pangalan ng grupo at kaya lang naman inirekomenda ng sikat na nominee ang kanyang mukha ay upang pumatok na ito sa kanyang mga fan.

Clue: Hindi na mahalagang ipakilala rin ang pangalan ng ating bida kundi ang dapat na lamang ninyong hulaan ay ang grupo nila na may letrang T ang as in Tsaa, green tea nga lang!