Abante Tonite Interactive

2 pasahero nahulog, tinakasan ng driver

369

By Gene Adsuara

Dinampot sa mismong terminal ng tricycle ang isang 24-anyos na lalaki matapos nitong takasan ang nahulog niyang pasahero sa Gen. Trias City, Cavite.

Kasong Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries and Abandonment of One’s Owned Victim ang haharapin ngayon­ ng suspek na si Charles Emil Espinosa, tricycle driver, ng 221 Malagsang 2-D Patio Tirona, Imus City Cavite.

Ginagamot naman sa Imus Hospital ang biktimamg si Mariane­ Venice Diaz, 13, estudyante ng 2585 E-11 Beata St., Pandacan, Manila at isang ‘di nakilalang kasamahan nito na ginagamot din sa ospital.

Sa ulat ni P/Pat. Ronald Didal, ng Gen. Trias City, Cavite Police Station, dakong alas-tres kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente sa Open Canal Road Pasang Camachile 2, Gen. Trias City Cavite kung saan minamaneho ni Espinosa ang kanyang pampasadang motorsiklo (7320 VP) sakay ang mga biktima.

Habang binabagtas ang nasabing lugar ay napadaan ang kanyang motorsiklo sa lubak-lubak na daanan dahilan upang mahulog ang kanyang mga pasahero.

Isinugod umano ng suspek ang kasama ng biktima sa Ospital ng Imus habang si Diaz ay isinugod naman ng isa pang tricycle dahil sa tinamong sugat sa ulo at katawan. Gayunman ay iniwanan din ito at umalis ang suspek.

Sa follow-up operation, natunton ang suspek sa TODA Terminal sa Imus City kaya kusang loob na lamang itong sumuko.

Tonite – Wendys Inhouse Ad